Jaja nakatulong sa Ageo Medics
MANILA, Philippines — Tinulungan ni Pinay spiker Jaja Santiago ang Saitama Ageo Medics na walisin ang Denso Airybees, 25-22, 25-22, 25-20, sa agawan para sa bronze medal sa Japan V. Premier League.
Humataw si Santiago, nagsilbing import, ng 10 points mula sa 9 attack at 1 kill block para ibangon ang Ageo Medics mula sa straight sets loss sa JT Marvelous sa Final Four.
Naglalaro ang 6-foot-5 na si Santiago para sa Ageo Medics sa ikalawang sunod na season.
Tumapos ang koponan sa seventh spot noong nakaraang taon.
Isinara ng Ageo Medics ang regular season sa 13-8 record papasok sa Final 8 ngayong season.
Nakuha naman ng tropa ang No. 2 spot sa Group A sa Final 8 Group makaraan ang five-set win laban sa NEC Red Rockets para itakda ang kanilang semifinals duel ng Group B top seed na JT Marvelous.
- Latest