Pasig pasok sa playoffs; Bicol at Cebu humihirit ng tsansa
Biñan City, Laguna, Philippines — Umabante ang Pasig-Sta. Lucia sa playoffs ng North division, habang pinalakas naman ng Bicol-LCC Malls at Cebu Casino Ethyl Alcohol ang kanilang mga tsansa para sa pang-walo at huling playoff slot sa South sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season kamakalawa ng gabi dito sa Alonte Sports Arena.
Pinataob ng Realtors ang Navotas Uni-Pak Sardines, 107-100, para itaas ang kanilang record sa 17-11 at higpitan ang hawak sa seventh spot.
Tinakasan naman ng Bicol Volcanoes ang Quezon City Capitals, 89-87, para buhayin ang kanilang pag-asa sa playoffs.
Ito rin ang ginawa ng Cebu Sharks makaraang gibain ang Imus Bandera, 101-76, sa round-robin eliminations ng 31 koponan.
Nakahugot ng double digits mula kina Ronjay Buenafe, Jerome Garcia, Alwyn Alday, Chris Lalata at Jonathan Aldave, pinaganda ngVolcanoes ang kanilang baraha sa 15-3 para manatili sa No. 8 kasunod ang No. 9 Sharks na may 13-13 marka.
Pinamunuan naman ni Jeric Teng ang mga Realtors mula sa kanyang 30 points, 8 rebounds, 4 assists at 2 blocks.
Nagdagdag si Josan Nimes ng 22 points, habang may tig-15 at 12 markers sina Robbie Manalang at Argel Mendoza at Leo Najorda, ayon sa pagkakasunod.
Nahulog naman ang baraha ng Navotas, nakahugot ng 18 points kay Osama Abdurasad, sa 7-22.
- Latest