New Years Wishes
Patapos ang taon, at panahon na naman ng tanungan ng mga wishes para sa susunod na taon.
Among sportsmen at Pinoy sports fans, ilan sa mga pangunahing wishes ay:
Olympic breakthrough. Kalagitnaan ng taon nakatakda ang 32 Summer Games sa Tokyo, Japan at siyempre mithiin ng bansa na sana, finally, ay makasungkit na ng unang medalyang ginto sa quadrennial games.
But first things first, kailangan pang sumagupa at lumusot sa qualifiers ng ating mga atleta. Sa kasalukuyan ay si pole vaulter EJ Obiena pa lamang ang pasok sa Tokyo Games. Inaasahan sumunod sa kanyang yapak sina Hidilyn Diaz, Carlos Yulo, Margielyn Didal, mga pambato nating boxers at sana ay gayun din ang ating taekwondo jins, judokas at iba pa.
Pacquiao final hurrah. Mukhang hindi mapi-pigilan si Sen. Manny Pacquiao na muling umakyat sa ring. At sana, makahugot ng unforgettable triumph at tuluyan ng mamahinga habang nasa maganda pang kalayagan ang kanyang pangangatawan. Mas maganda kung maikakasa ang Pacquiao-Mayweather rematch bilang huling laban ng ating boxing idol.
More world championships. Magandang winning momentum ang sinakyan ng buong Phl delegation sa 2019 SEA Games kasunod ang panalo sa world stage ni Yulo at Nesthy Petecio. Sana ay magtuluy-tuloy ang ratsada at patuloy na makapagbigay inspirasyon ang Filipino athletes sa buong nasyon.
United POC leadership. Mahaba-habang mga buwan na ang lumipas na tahimik at walang iri-ngan na narinig mula sa mga sports leaders. Sana ay magpatuloy ang ganitong atmosphere at patuloy na mag-focus na lang ang mga sports leaders sa pagtulong sa mga atleta tungo sa pare-parehong hangarin na maiwagayway proudly ang Philippine flag sa international stage.
Balanced PBA rosters. Maraming bagong mukhang sasalang sa parating na PBA season, at sana makatulong ito na mabalanse ang liga at makapaghatid ng mas exciting na mga laro para sa Filipino basketball fans.
- Latest