^

PM Sports

‘Order of Lapu-Lapu’ ibinigay sa mga atleta

Russell Cadayona - Pang-masa
âOrder of Lapu-Lapuâ ibinigay sa mga atleta
Pinalakpakan nina Pangulong Rodrigo Roa Du­terte at Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez kasama si Phisgoc chief Alan Pe­ter Cayetano ang mga miyembro ng Team Philippines na umangkin sa overall crown ng nakaraang 2019 SEA Games.
PM photo ni Russell Palma

MANILA, Philippines – Hindi lamang cash in­centives ang natanggap ng mga national athletes na kumolekta ng kabu­uang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Kahapon ay binigyan din sila ni Pangulong Ro­d­­rigo Roa Duterte ng Or­der of Lapu-Lapu award sa in­centives awar­ding sa Ma­lacañang.

Ito ay para sa pag-angkin ng Team Philippines sa overall championship ng 2019 SEA Games.

 “We are lucky to have a President who support us fully and has a big heart for our athletes,” sa­bi ni Philippine Sports Com­mission chairman William ‘Butch’ Ramirez na nagsilbing Chef De Mission ng bansa sa nasabing biennial event na susunod na pamamahalaan ng Vietnam sa 2021.

Pinamunuan ni Ra­mirez, tinanggap ni Pre­sidente Duterte ang mga na­tional athletes na suot ang kanilang official tracksuit sa Rizal Hall ng Ma­lacañang Palace.

Dumalo rin sa sere­monya sina Executive Sec­­retary Salvador Me­­dialdea, Philippine Olym­pic Com­­­mittee pre­si­dent Ab­ra­ham Tolen­tino, Philippine SEAG Or­ganizing Committee chairman at House Spea­ker Alan Peter Cayetano at PSC Commissio­ners Celia Ki­ram, Arnold Agustin at Charles Ma­xey at iba pang mga opis­yales ng mga national sports asso­ciations.

Ang nasabing Order of Lapu-Lapu award ay ibi­nibigay sa mga “de­ser­­ving of merit and re­cog­nition and to fully ex­­press the President’s appreciation of the Filipi­no people’s contributions to the success of the campaigns and programs of the Government.”

Magiging masaya rin ang Pasko ng mga at­­leta dahil sa kanilang na­­tanggap na cash incentives mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Nakasaad sa Republic Act 10699 na ang gold me­dal sa SEA Games ay may katumbas na insentibong P300,000, habang ang silver at bronze ay P150,000 at P60,000, ayon sa pagkakasunod.

Bukod pa rito ang dag­dag na P250,000 ni Pa­­ngulong Duterte para sa mga kumuha ng gintong medalya, P150,000 pa­ra sa pilak at P100,000 para sa tanso.

Sina Pauline Lopez ng taekwondo, Marck Je­sus Espejo ng volleyball at Jasmine Alkhaldi ng swimming ang kumata­wan sa mga gold, silver and bronze medalists, ayon sa pagkakasunod, sa pagtanggap ng tseke mu­la kay Presidente Du­terte.

Kamakalawa ay bi­nig­yan ni Tolentino ang mga individual athletes ng P200,000 para sa na­ka­­mit na gold medal.

 

ATLETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with