^

PM Sports

149-gold, 117-silver, 121 bronze

Russel Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang pagdomina ng bansa sa basketball competition at ang pamama-yagpag ng mga Pinoy sa arnis, athletics, dancesports at boxing ang nagtampok sa pag-angkin ng Pilipinas sa overall crown ng katatapos na 30th Southeast Asian Games.

Sa pang-18 pagkakataon ay inangkin ng Gilas Pilipinas ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ang kampeonato ng men’s basketball matapos ilampaso ang Thailand, 115-81 sa kanilang gold medal match.

Dinuplika naman ito ng mga Pinay cagers nang talunin ang mga Thais, 91-71 habang nagkampeon din ang Nationals sa men’s at women’s 3x3 event.

Ilan lamang ito sa mga tagumpay ng Team Philippines para sikwatin ang overall championship ng bienial event sa ikalawang pagkakataon.

Kumolekta ang mga Pinoy athletes ng kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals sa nilahukang 56 sports events.

Noong 2005 Manila SEA Games ay humakot ang Pilipinas ng 113 ginto, 84 pilak at 94 tansong medalya para makopo ang overall title.

“We all worked hard for this,” sabi kahapon ni Philippine Sports Commission chairman at Chef De Mission William ‘Butch’ Ramirez.

“The Philippine Olympic Committee, national sports associations, the Philippine SEA Games Organizing Committee, the government, the private sector and the Filipino people all came together to show our team that they have the whole nation rooting for them. Sa-lamat po sa lahat,” dagdag pa nito.

May 23-gold medals ang Pinas sa ginanap na SEA Games Kuala Lumpur, Malaysia kung saan tanging 34 pilak at 63 tanso ang naibulsa ng mga Pinoy.

Bukod sa basketball, namayagpag din ang mga Filipino athlete sa arnis (12), athletics (11), dancesports (10), boxing (7), taekwondo (7), wushu (7), skateboarding (6), obstacle racing (6), jiu-jitsu (5), gymnastics (3), cycling (3), judo (3), kickboxing (3), rowing (3), muay (3), triathlon (3), billiards (2), fencing (2), surfing (2) at windsurfing (2).

Bilang suporta sa mga atleta ay gumastos ang PSC ng P1.5 bilyon para sa kanilang mga international training at exposures.

“Our athletes gave their all and they deserve all the respect and care that we can give them, as kababayans and as a nation. You all made us proud. Salamat sa inyong sakripisyo, tiyaga at pagpupursigi,” ani Ramirez, ang Chef De Mission noong 2005 Manila SEA Games.

Pumangalawa sa Pilipinas ang Vietnam na mayroong 98 gold, 85 silver at 105 bronze medals kasunod ang Thailand (92-103-123).

 

BRONZE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with