Flag bearer si Casugay sa SEAG closing
MANILA, Philippines — Hindi lamang ang gintong medalya at pagha-nga sa sambayanan ang napalunan ni surfer Roger Casugay kundi ang karangalang maging flag bearer ng Team Philippines sa closing ceremonies ng 30th Southeast Asian Games bukas.
Ito ang inihayag ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez ukol sa ipinakitang kabayanihan at sakripisyo ng 25-anyos na si Casugay sa pagliligtas sa kalabang na si Arip Nurhidayat ng Indonesia.
May nakaabang din na cash incentive kay Casu-gay mula sa sports agency, ayon kay Ramirez.
“I will include Ro-ger in our awarding in Malacañang to meet the President. The PSC will give him a plaque of re-cognition for his heroic deed and a cash incentive to be approved by the PSC board, wika ni Ramirez sa isang statement.
Nag-viral sa social media si Casugay matapos niyang saklolohan ang indon surfer na si Nurdiyahat nang mapatid ang tali nito sa kanyang surfboard mula sa nagla-lakihang alon sa kanilang ikatlong qualifying round sa men’s longboard event sa San Juan, La Union.
Sa kabila ng kabutihang loob na ipinakita ni Casugay, hindi aniya kinukunsidera ang sarili bilang bayani.
“No I’m not a hero,” sambit ni Casugay. “I didn’t really save him from drowning, he is a good swimmmer, I just calmed him down.”
Kamakalawa bumawi si Casugay para angkinin ang gold medal sa nasabing event laban sa kababayang si Rogelio Esquievel, Jr.
Nagtala si Casugay ng 14.50 para tanghaling champion habang kumana naman ng 14.20 si Esquivel Jr para sa silver medal.
Gaganapin ang clo-sing ceremonies ng biennial event sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac.
May 10,000 tickets na ipamimigay.
- Latest