Rondo pinagmulta ng $35K
LOS ANGELES — Pinagmulta ng NBA si Lakers guard Rajon Rondo ng $35,000 dahil sa kanyang “unsportsmanlike physical contact” kay Oklahoma City Thunder guard Dennis Schroder.
Bukod pa dito ang kanyang “verbal abuse” sa isang official at kabiguang kaagad lisanin ang court matapos ang kanyang ejection sa laro ng Lakers at Thunder noong Biyernes.
“You know, you’re a four-, five-time felon, the judgment is kind of harsher when you’ve had a history prior,” sabi ni Rondo bago ang kanilang pagharap sa Memphis Grizzlies.
Ilang beses nang namultahan si Rondo sa kanyang 14-year career.
Ilan dito ang $147,007 fine noong 2012 dahil sa pagbato ng bola sa referee, ang $100,000 fine noong 2013 bunga ng pagbangga sa referee at $86,364 fine noong 2015 sa kanyang homophobic slur sa isang official.
Tinawagan si Rondo ng flagrant foul 2 matapos sipain si Schroder sa maselang bahaging katawan sa 10:20 minuto sa fourth quarter sa 130-127 panalo ng Lakers laban sa Thunder.
Nakipagtalo at sinigawan ni Rondo ang mga officials matapos tawagan ng flagrant at kailangan pang ilabas ng kanyang mga teammates sa court.
Minura rin niya si crew chief Ed Malloy.
“I guess the same free speech doesn’t apply to everyone,” sabi ni Rondo. “I felt what he did was disrespectful, and I said what I said.”
Ipinagtanggol naman ni LeBron James si Rondo matapos ang Thunder game.
“I didn’t think it called for an ejection, but the refs have to do what they feel best fits,’’ wika ni James. “But, you know, I didn’t think it called for an ejection.’’
- Latest