Rozier iginiya ang Hornets kontra sa Warriors
SAN FRANCISCO — Naghulog si guard Terry Rozier ng isang go-ahead basket sa huling 1:09 minuto ng fourth period at nakatakas ang Charlotte Hornets sa paghahabol ng Golden State Warriors para kunin ang 93-87 panalo.
Humataw si Dwayne Bacon ng game-high na 25 points para sa Hornets, habang tumapos si Rosier na may 20 markers.
Nagmula ang Charlotte sa back-to-back losses sa Los Angeles Lakers at Clippers.
Umiskor naman si Eric Paschall ng game-high na 25 markers sa panig ng Warriors, naglaro na wala sina injured stars Stephen Curry, Klay Thompson, D’Angelo Russell at forward Draymond Green.
Ito ang pang-limang kabiguan ng Golden State sa una nilang anim na laro.
“We were right there. A couple things at the end if we could have executed a little bit better and if I maybe made a couple different decisions I think we would have been in good shape. Tough one but I’m really, really proud of the group,” sabi ni coach Steve Kerr sa Warriors.
Sa Washington, humataw si Andrew Wiggins ng 21 points, habang may tig-20 markers sina Robert Covington at Jarrett Culver para akayin ang Minnesota Timberwolves sa 131-109 paggupo sa Wizards.
Pinaganda ng Timberwolves ang kanilang baraha sa 4-1.
Nagpasabog naman si Bradley Beal ng 30 points para sa Wizards (1-4).
Sa Milwaukee, nagposte si Giannis Antetokounmpo ng 36 points, 15 rebounds at 8 assists para ihatid ang Bucks sa 115-105 panalo laban sa Toronto Raptors.
Nagdagdag naman ng 14 markers si guard Eric Bledsoe.
- Latest