Harris bibida sa Philippine beach handball team sa SEAG
MANILA, Philippines — Bago man sa sports na beach handball ay tila hindi naman nahirapan mag-adjust si dating University of the Philippines Fighting Maroons team captain Andrew Michael Harris matapos mapasali sa Philippine beach handball.
Na-enganyo ang Filipino-American baller na sumali sa national team matapos siyang kumbinsihin ni national head coach Joanna Franquelli, faculty member din ng nasabing unibersidad.
“Nag-enjoy ako pero it’s a different sports talaga, it’s more on every possession counts, it’s a quick game, it’s 10 minutes only and one mistake can cause you the game,” sabi ni Harris. “But a thing that’s similar is of course team work, it’s a combination of different sports.”
Anim na buwan na rin na kasama ni Harris ang pambansang koponan at nakapaglaro na sa ilang ilang international tournament kagaya ng 2019 Asian Beach Handball Championship sa Weihai, China kung saan nakadagit sila ng pang-walong puwesto.
“Sana magtuloy-tuloy ang handball. It is a really fun sports and nag-enjoy talaga ako. Sana more Filipinos will get into other sports other than basketball,” dagdag pa ni Harris.
- Latest