^

PM Sports

Pinay spikers bigo sa Nittai

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinapos na ng Philip­pine women’s volleyball team ang kanilang 12-day training camp sa Tok­yo, Japan para sa ka­nilang pag­hahanda sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Sa huling araw ng pam­­bansang koponan sa Japan ay muli silang naka­tikim ng kabiguan sa kamay ng Nittai University, 20-25, 25-23, 20-25, 14-25, sa tune-up game.

Bagama’t walang na­ipanalo sa apat na tune-up games ay positibo pa rin si national team head coach Shaq delos Santos na babaunin nila ang kanilang eksperyensa sa 2019 SEA Games.

“Definitely, marami ka­ming natutunan sa mga tune-up games,” sa­bi ni Delos Santos. “Hopefully, ma-absorb pa namin siya ng mabuti. Itutuloy namin ito pagdating sa Pilipinas.”

Bukod sa Nittai University, nakabangga ng Nationals sa kanilang tune-up games ang Gunma Bank Green Wings at Yamanashi Chuo Bank and Yama­nada at Hi­tachi Rivale.

“Nagkaroon ng improvement but it doesn’t mean na OK na. Kaila­ngan pang ituloy hanggang sa duma­ting ang SEA Games,” wika ni Delos Santos.

 

 

PINAY SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with