^

PM Sports

Orcollo, 2 pang Pinoy pasok sa KO stage

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong Pinoy cue masters ang nakahirit ng tiket sa knockout stage ng 2019 American 14.1 Straight Pool Championships na ginaganap sa Q-Masters Billiards sa Virginia Beach, USA.

Nanguna sa ratsada ng Pinoy squad sina Dennis Orcollo at Filipino-Canadian Alex Pagulayan na parehong nanguna sa kanya-kanyang grupo sa group stage ng torneong may kabuuang $42,000 papremyo.

Nangibabaw si Orcollo sa Group 1 tangan ang 4-1 marka, habang nasa unahan din si Pagulayan sa Group 6 matapos makakuha ng parehong 4-1 baraha sa pagtatapos ng eliminasyon.

Dahil dito ay nabiyayaan ng first-round byes sina Orcollo at Pagulayan para awtomatikong umusad sa second round ng event na may nakalaang $10,000 para sa magkakampeon habang tatanggap naman ng $6,000 konsolasyon ang runner-up at tig-$3,000 ang mga matatalo sa semifinals.

Sa kabilang banda, nagtapos sa ikatlong puwesto si Lee Vann Corteza sa Group 5 para makasiguro rin ng puwesto sa main draw.

Ngunit hindi gaya nina Orcollo at Pagulayan, daraan sa first round si Corteza kung saan makakaharap nito si Petri Makkonen ng Ireland.

Hihintayin naman ni Orcollo ang magwawagi sa pagitan nina dating world champion Thorsten Hohmann ng Germany at Marc Vidal ng Spain, samantalang nakaabang si Pagulayan sa mananaig kina Ralf Souquet ng Germany at Reymart Lim ng Amerika.

ORCOLLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with