Dumating na ang pagkakataong hinihintay ni Catalan
MANILA, Philippines – Ito na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Rene “The Challenger” Catalan para maging isang world champion.
Hahamunin ni Catalan si Joshua “The Passion” Pacio para sa suot nitong ONE strawweight world crown sa ONE: Masters of Fate sa Nobyembre 8 sa MOA Arena sa Pasay City.
Alam ng 40-anyos na si Catalan na minsan lamang mangyari ang isang malaking tsansang ma-ging kampeon kaya hindi na niya ito pakakawalan.
“I’m one hundred percent focused on getting this belt,” wika ni Catalan. “It’s every fighter’s dream to become a World Champion. I’m hungry and determined to win the title.”
Saglit na naisuko ni Pacio ang kanyang titulo bago ito nabawi ngayong 2019.
Ayon kay Catalan, kaya niyang talunin si Pacio para mapasakamay ang korona nito.
“Joshua Pacio is only human,” ani Catalan. “Just like every other fighter, he has his strengths and weaknesses. We’re going to try and deal with that in the fight. It all comes down to the game plan we have heading into this. It’s going to be an exciting contest.”
Sumikat si Catalan bilang isang champion wushu artist sa amateur at hangad niyang maipagpatuloy ito bilang professional.
Sina Catalan at Pacio ay parehong mga wushu striking specialists, kaya inaasahang magiging agresibo ang dalawa sa loob ng octagon.
- Latest