^

PM Sports

Nesthy lalaban para sa gold

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglipad ng bandila ng Pilipinas nang umabante sa finals si Nesthy Petecio sa 2019 AIBA Women’s World Bo­xing Championships sa FSK Sports Complex sa Ulan-Ude, Russia.

Naitarak ni Petecio ang kumbinsidong 4-1 split decision win laban kay Karriss Artingstall ng England sa semifinal round ng women’s featherweight (57 kgs.) division.

Mas matangkad at mas mahaba ang galamay ng Great Britain fighter kumpara kay Petecio.

Ngunit hindi ito naging hadlang para kay Petecio para makuha ang panalo.

Naging maingat si Petecio sa unang bahagi ng laban na tila sinusukat ang kakayahan ng kanyang karibal na si Artingstall.

Natamaan si Petecio ng isang beses sa mukha kaya’t pinayuhan ang Pinay fighter ng coaching staff na huwag manggigil.

Nang makakuha si Petecio ng tiyempo, ilang solidong hook at straight ang naikonekta niya sa mukha ni Artingstall partikular na sa second round.

Mas lalong nag-init si Petecio sa third round nang targetin ang katawan ng karibal na sinabayan ng ilang solidong hit sa mukha ng Great Britain bet para tuluyang makuha ang panalo.

Makakalaban ni Petecio sa championship round si Liumila Vorontsova ng host Russia na nagtala ng 3-2 split decision win (29-28, 29-28, 29-28, 27-30, 27-30) kay Lin Yu-Ting ng Chinese-Taipei sa hiwalay na semis match.

Sa pag-entra ni Petecio sa finals ay makatitiyak na siya ng pilak na medalya para mapantayan ang kanyang silver-medal finish noong 2014 edisyon ng World Championships sa Jeju, South Korea.

Hangad ni Petecio na malampasan ito para ma­tuldukan ang ilang taong pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya sa nasabing world meet.

Huling nakaginto ang Pilipinas noong 2012 edis­yon mula kay Josie Gabuco.

NESTHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with