^

PM Sports

BanKo solo sa 3rd

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsabwatan uli sina Dzi Gervacio, Nicole Tiamzon at Ella de Jesus para dominahin nang husto ng BanKo Perlas Spikers ang Chef’s Classics Lady Red Spikers, 25-7, 25-16, 25-17 sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nasolo muli ng Perlas Spikers ang ikatlong puwesto sa torneo tangan ang 8-5 panalo-talo at ngayon ay nasa ilalaim na sila ng nangungunang unbeaten naCreamline (12-0) at pumapangalawang PetroGazz (9-2) .

Matapos kunin ang magaang 25-7 panalo sa first set, nagawa nilang tapatan ang atake ng Chefs Classics sa second at third set  upang ipalasap sa sibak na sa kontensiyong Lady Red Spikers ang ika-15 sunod nitong kabiguan sa  gayunding dami ng laro.

Sa unang laro, limang sets ang ginapang ng BaliPure Water Defenders upang muling gapiin ang Phi-lippine Air Force Lady Jet Spikers, 25-23, 12-25, 27-29, 25-23, 15-11.

Nagpakitang-gilas si team captain Grace Bombita nang nagtala siya ng 26 puntos, sa likod ng 19 attacks, 4 aces at 3 kill blocks para pangunahan ang tropa na kunin ang ikaapat nitong tagumpay sa 14 na asignatura bagama’t malabo na ang kanilang tsansa sa Final 4.

BANKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with