^

PM Sports

Road Warriors sinolo ang liderato

Russell Cadayona - Pang-masa
Road Warriors sinolo ang liderato
Hinarangan ni Nard John Pinto ng Meralco ang salaksak ni NLEX guard Kiefer Ravena habang nakatingin si back-up center Bryan Faundo. PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines – Hindi na matandaan ni coach Yeng Guiao kung kailan huling nagposte ang NLEX ng 2-0 pani­mula sa kumpe­rensya.

“Matagal-tagal na. It really feels good. We are ha­ving a good start this con­ference. We hope to sus­tain it,” sabi ni Guiao.

Nagsalpak si center JR Quiñahan ng 19 points tampok ang 5-of-8 shoo­ting sa three-point line pa­ra tulungan ang Road Warriors sa 105-99 paggi­ba sa Meralco sa 2019 PBA Governor’s Cup ka­ha­pon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala si import Olu Ashaolu ng 17 markers, 13 boards at 3 assists para sa ikalawang sunod na ratsada ng Road Warriors at angkinin ang solong li­derato.

Kumolekta naman si Kiefer Ravena ng 15 points, 8 rebounds at 8 assists para sa tropa ni Guiao na nagmula sa 123-116 panalo kontra sa Phoenix.

Hindi naman naduplika ng Bolts ang nauna ni­­lang 98-92 panalo laban sa nag­dedepensang Mag­nolia Hotshots.

Mula sa nine-point lead, 55-46, sa halftime ay inilista ng NLEX ang 20-point advantage, 83-63, sa dulo ng third quarter.

Naputol ito ng Meralco sa 96-100 sa huling 1:13 minuto ng fourth pe­riod sa likod nina Best Im­port Allen Durham, guard Ba­ser Amer at center Raymond Al­mazan.

Ang undergoal stab ni Cruz mula sa pasa ni Ra­vena at salaksak ng tina­guriang ‘The Phenom’ ang muling naglayo sa Road Warriors sa 104-96 sa nalalabing 35.4 segun­do.

Humakot si Durham ng 32 points, 19 boards, 3 assists at 3 steals para sa Bolts, habang may 17 at 15 markers sina Almazan at Amer, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, puntirya ng Barangay Ginebra at TNT Katropa na kasosyo sa NLEX.

Sasagupain ng Gin Kings ang Phoenix Fuel Masters ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang upakan ng Tropang Tex­ters at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-4:30 ng hapon sa Big Dome.

Umiskor ang Ginebra ng 102-83 panalo sa Alaska at minasaker ng TNT Katropa ang Blackwater, 135-107, para ilista ang kani-kanilang 1-0 marka.

 

 

ROAD WARRIORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with