^

PM Sports

Kai idinagdag sa binubuong 24-man national pool

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa ang Filipino teen sensation na si Kai Sotto sa mga dagdag na panga­lang bubuo sa 24-man Gilas Pilipinas pool para sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Ito ay ayon sa anunsyo ng Samahang Basket­bol ng Pilipinas para sa SEAG team na posibleng gabayan ni Tim Cone ng Barangay Ginebra.

Kasama rin sa listahan sina Kobe Paras, Ricci Ri­vero at Juan Gomez De Liaño ng UP, Justin Baltazar ng La Salle at Dave Ildefonso ng NU upang kumpletuhin ang mga amateur players ng bubuuing Gilas team.

Nauna nang inanunsyo ng SBP sina Isaac Go at Thirdy Ravena ng Ate­neo gayundin ang PBA players na sina Christian Standhardinger ng San Mi­guel at Stanley Pringle ng Ginebra bilang mi­yembro rin ng pool.

Mayroon pang hanggang Setyembre 30 ang SBP para baguhin, magdagdag at magbawas ng manlalaro sa 24-man pool na bubuuin ng PBA players at top amateurs de­pende pa sa magiging de­sisyon ng papangalanang coach.

Hangad ang Gilas ang ika-18 titulo sa SEAG na pinagwagian ng bansa ng 17 beses sa 19 edisyon.

Noong 2017 edition sa Kuala Lumpur, Malaysia ay winalis ng Gilas ang buong torneo na tinuldukan nila ng 94-55 panalo kontra sa Indonesia sa Finals.

Ito ay kahit nagparada rin ang Nationals ng magkahalong PBA pla­yers at amateur ca­gers sa pangunguna nina Kevin Ferrer, Carl Bryan Cruz, Troy Rosario, Baser Amer at Standhar­dinger ng PBA kasama ang mga collegiate standouts na si­na Paras, Ray Parks, Jr. at Kiefer Ravena.

Gaganapin ang SEAG basketball event sa Mall of Asia Arena.

 

NATIONAL POOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with