^

PM Sports

‘Di Puwede ‘To

John Bryan Ulanday - Pang-masa
‘Di Puwede ‘To

MANILA, Philippines – Bunga ng nakakadismayang pagtatapos ng Gilas Pilipinas sa nakaraang 2019 FIBA World Cup sa China,  nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Phi-lippine basketball stakeholders sa pangunguna ng Philippine Basketball Association (PBA) at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Kalimut-limot na 32nd place finish ang kinahantungan ng Gilas Pilipinas sa pagtatapos ng classification phase.

Nalaglag sa pinaka-dulong puwesto ang
Phl team bunsod ng 79-77  tagumpay ng Jordan kontra sa Senegal sa krusyal na laban kamakalawa ng hapon.

Dahil dito, nagtapos sa 1-4 baraha ang Jordan at itinulak ang mga winless teams na Ivory Coast na may -74 point differential, Senegal (-102), Japan (-130) at Gilas Pilipinas (-147) sa 29th-32nd place, ayon sa pagkakasunod.

Nasadlak ang Gilas sa napakalaking negative-point differential dahil sa mga blowout losses kontra sa Italy (62-108), Serbia (59-126) at Tunisia (59-86). Kinapos naman ang Nationals kontra sa Angola (81-84).

Sa kabuuan, nakalasap ang Gilas ng pambihirang 29.4-point losing margin.

Taliwas ang bokyang 0-5 na kampanya ng Gilas na ito sa kanilang magilas na 2014 FIBA World Cup stint kung saan nagtapos sila sa 1-4 baraha para sa ika-21 na puwesto.

Kinatampukan ito ng nail-biting games kontra sa Argentina, Croatia, Greece at Puerto Rico bago nakatakas sa Se-negal sa OT, 81-79.

Inaasahan ang agarang pag-uusap ng PBA at SBP upang matalakay kung ano ang maling nangyari sa kampanya ng Gilas at kung paano nila maisasaayos sa mga susunod na torneo.

Mangunguna sa gaganaping pagpupulong sina PBA Commissioner Willie Marcial at PBA Chairman Ricky Vargas kasama sina SBP President Al Panlilio at SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan.

Dalawa sa posibleng talakayin ng SBP at PBA ang paparating na 2019 Southeast Asian Games dito sa bansa at ang 2020 Tokyo Olympic Qualifying Tournament kung saan aasa ang Gilas na makakuha ng wildcard ticket.

 

PUWEDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with