Handa na lahat para sa Batang Pinoy
MANILA, Philippines — Para matiyak ang matagumpay na pamamahala sa 2019 Batang Pinoy National Championships ay magsasagawa ang Philippine Sports Commission ng final occular inspection sa mga venues na gagamitin sa Puerto Princesa City, Palawan.
Pangungunahan ni National Secretariat senior member Teresito Fortaleza ang PSC team na mag-iinspeksyon sa mga competition at non-competition venues para sa national championships na nakatakda sa Agosto 25 hanggang 31.
Makakasama ng grupo si Puerto Princesa City Sports Director Atty. Rocky Austria.
Nauna nang nilagdaan nina PSC Commissioner Celia Kiram at Puerto Princesa Mayor Lucio Bayron ang Memorandum of Agreement para sa Batang Pinoy hosting ng probinsya noong Hulyo2 6.
Humigit-kumulang sa 10,000 athletes, coaches, technical at delegation officials ang darayo sa Puerto Prin-cesa City para sa Batang Pinoy National Finals na naglatag ng kabuuang 31 sports events.
“The PSC is ready for the growing number of delegates that will take part in the games,” sabi ni National Secretariat Head Manuel Bitog.
Nagtalaga na ang PSC ng 10 billeting areas para sa mga delegasyon mula sa 234 local government units.
Ang mga ito ay ang Sta. Monica Elem. School, Sta. Monica High School, F. Ubay Memorial Elem. School, Manuel Austria Memorial Elem. School, Sicsican Elem. School, Sicsican High School, Puerto Princesa Science High School, Palawan National School, Puerto Princesa Pilot Elem. School at San Jose Nat’l High School. Anim pang billeting areas ang ihahanda ng komisyon para sa mga karagdagang partisipante.
Isang Children’s Fun Run ang idaraos sa umaga ng closing day kung saan halos 8,000 bata ang inaasahang lalahok.
- Latest