Babalik si Jones
MANILA, Philippines — Bagama’t naging masama ang eksperyensa sa una niyang paglalaro sa Philippine Basketball Association ay tiniyak ni Best Import Terrence Jones na muli niyang isusuot ang unporme ng TNT Katropa sa susunod na taon.
Ito ang ipinoste ng 27-anyos na dating NBA player sa kanyang Twitter account na TerrenceJones1 sa pag-uwi niya sa United States.
“Grateful 4 the incredible experience @tntkatropa_ph THANK YOU to the fans, my teammates & the entire TNT organization. Loved being in the Philippines, loved the people and y’all as a country! I’ll be back!!,” ani Jones.
Nabigo ang 6-foot-9 na si Jones na maibigay sa Tropang Texters ang kampeonato matapos matalo kay import Chris McCullough at sa San Miguel Beermen, 2-4 sa kanilang best-of-seven championship series ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.
Sa PBA Finals ay inireklamo ni Jones ang pagsasayaw na parang unggoy ni San Miguel forward Arwind Santos sa second period ng Game Five.
Kaagad itong inak-syunan ni PBA Commissioner Willie Marcial at pinagbayad si Santos ng multang P200,000 bukod pa ang 100 oras na community service.
Bukod pa rito ang paghataw sa kanyang ulo ni Phoenix forward Calvin Abueva, pinatawan ng indefinite banned ng PBA sa elimination round ng torneo.
Pitong seasons naglaro si Jones sa NBA para sa Houston Rockets, New Orleans Pelican at Milwaukee Bucks kung saan nagposte siya ng mga ave-rages na 10.4 points. 5.7 rebounds at 1.2 blocks.
Ibinuhos ni Jones ang una niyang apat na seasons sa Rockets na humugot sa kanya bilang 18th overall noong 2012 NBA Draft.
- Latest