^

PM Sports

Tucker umatras sa pagsama sa Team USA

Pang-masa

ANAHEIM, California -- Umalis si Houston Rockets small forward P.J. Tucker sa mga ikinu­kunsidera para sa USA basketball roster.

Dahil dito ay 14 pla­yers na lamang ang pagpipilian ni head coach Gregg Popovich para sa Final 12 ng Team USA sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Sinabi ni Tucker na may­roon siyang minor left ankle issue.

Dalawang beses siyang nagkaroon ng twis­­ted left ankle sa na­ka­raang araw bago nag­de­sisyong bumitaw sa ko­ponan.

Sa paggaling ng kanyang injury ay inaasa­hang sasama si Tucker sa training camp ng Rockets sa susunod na buwan.

Ang 34-anyos na si Tucker ang pinakamatandang player na naiwan sa World Cup camp ng mga Americans.

Magtutungo ang ko­ponan sa Australia nga­yon para sa tatlong exhi­bition games at ilang prac­tices bago hirangin ni Popovich ang Final 12.

Kabilang sa mga may malaking tsansang mapabilang sa Team USA ay sina Kemba Walker, Jaylen Brown, Jayson Tatum at Marcus Smart ng Boston Celtics.

TUCKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with