^

PM Sports

TIP gustong makadalawa

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maagang liderato sa Group A ang hangarin ng TIP ngayon sa pakikipagtuos sa bagitong Hyperwash sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. 

Sisiklab ang aksyon sa alas-5:30 ng hapon kung saan asam ang ikalawang sunod na panalo ng Engineers upang masolo ang Group A ng 14-team D-League Foundation Cup tourney.

Upang magawa iyon ay sasandal ang TIP kina Papa NDiaye, Bryan Santos at Ivan Santos na bumida sa kanilang malaking 37-puntos na panalo kontra sa isa pang baguhan na McDavid – La Salle Araneta sa pagbubukas ng Foundation Cup noong nakaraang Huwebes sa Paco Arena sa Maynila.

Ibinaon ng TIP ang Araneta, 118-81 sa likod ni Papa NDiaye na nagtala ng double double na 26 puntos at 12 rebounds gayundin sa tulong nina Bryan at Ivan Santos na may 18 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naman inaasa-hang magiging madali ang misyong iyon lalo’t baguhan man ay palaban pa ring sasalang ang Vipers.

Mangunguna sa Hyperwash na gagabayan ni head coach Joel Palapal ang mga dating PBA players na sina Jeric Fortuna at Ryan Buenafe.

Samantala sa alas-1:30 na unang laro, magpapangbuno naman ang debuting teams din na Hazchem at Nailtalk Savio. Susundan ito ng maghihiganting McDavid-La Salle Araneta at isa pang bagitong team na Italiannos Homme sa alas-3:30.

vuukle comment

TIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with