F2 nakalusot sa Generika
MANILA, Philippines — Malinis pa rin ang baraha ng F2 Logistics Cargo Movers matapos alpasan ang Generika-Ayala Lifesavers, 25-19, 27-25, 25-22, 18-25, 15-13, sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Pinahirapan ng Lifesavers ang Cargo Movers lalo na sa fifth set kung saan nauna nitong nakuha ang 11-8 bentahe bago umalagwa at iposte ang 6-0 atake na nagbigay sa kanila sa 12-11.
Tila nawala ang laro ng Generika-Ayala sa deciding set nang magkaroon ng left knee injury si Angeli Araneta matapos ang masamang bagsak nito.
Pinilit lumaban ng Lifesavers at nakadikit sa 13-14, pero inangkin ang F2 Logistics ang panalo mula sa huling palo ni Aby Maraño.
“Binigyan sila ng magandang laban ng Generika. Dapat hindi umabot ng ganito kahaba ang game kung tamang desisyon siguro,” sabi ni coach Ramil De Jesus.
Humataw si Kalei Mau ng 25 points mula sa 24 attacks at isang ace, habang nag-ambag ng 16, 14 at 10 markers sina Ara Galang, Majoy Baron at Des Cheng, ayon sa pakakasunod. Fergus E. Josue, Jr.
- Latest