^

PM Sports

‘Di makakapagpahinga ang Cignal-Ateneo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang pahi-pahinga sa kampeon na Ateneo dahil sa nakapila na agad na international training camps nito bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit na Season 82 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Kagagaling lang sa matagumpay na titulo sa PBA Developmental League, lilipad ang Blue Eagles sa Greece sa susunod na linggo para sa unang destinasyon ng kanilang three-country international trip sa buong buwan ng Hulyo, saktong dalawang buwan bago ang pagsiklab ng pina-kabagong UAAP season.

“Our goals for the D-League were accomplished and now we’re on to the next stage,” ani head coach Tab Baldwin matapos nilang idispatsa ang CEU sa Game 4 ng PBA D-League Finals, 98-66.

“That is to go overseas and really buckle down and get tough with the guys now. I think we kind of bit cruising as this point so we have to toughen things up.”

Bagama’t malaking karangalan kasi ang mana-ig sa 20-team D-League tournament, inamin ni Baldwin na hindi  pa rin sapat iyon upang maihanda niya ang Blue Eagles sa hangarin nilang makasungkit ng ikatlong sunod na UAAP title.

“We’re not ready. We’re not even poised. We’re still babies in terms of our system development,” anang batikang American-Kiwi mentor. “We have long way to go. We’re not ready for the UAAP but we will get there.

Aalis ng bansa patunong Greece ang Ateneo sa Hulyo 5. Matapos iyon ay tutungo rin sila sa Singapore gayundin sa Perth at Melboune, Australia upang makumpleto ang kanilang three-country trip.

Para kay Baldwin ay magiging malaking tulong ang international trip ng koponan lalo’t hindi magiging madali ang kanilang misyon na three-peat sa UAAP dahil nagpalakas at naghanda nang todo ang kanilang mga karibal na pakay silang mapaalis sa trono.

 “It will be a great experience for the boys to understand travel and the difficulties that long tours present. They’re gonna be away from home and they’re gonna bond as a team. We’ll come back from this trip better,” aniya.

Inanunsyo naman ni Baldwin na hindi makakasama sa kanilang international trip ang dalawang beterano na sina Raffy Verano at Jolo Mendoza dahil posibleng hindi sila maka-laro sa Season 82 academic problems.

CIGNAL-ATENEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with