^

PM Sports

5-year max contracts kina Durant, Thompson

Pang-masa

OAKLAND, California -- Nagkaroon man ng mabigat na injury sina Kevin Durant at Klay Thompson ay bibigyan pa rin sila ng Golden State Warriors ng five-year max contracts.

Nangyari ang naturang mga injuries nina Durant at Thompson sa katatapos na NBA Finals kung saan natalo ang Warriors laban sa nagkam-peong Toronto Raptors.

Marami ang nangangamba na baka hindi na bigyan ng kontrata ng Warriors sina Durant at Thompson matapos magkaroon ng injury sa NBA Finals.

Si Durant ay napunitan ng Achilles sa Game Five, samantalang napunit din ang ACL ni Thompson sa Game Six.

Si Thompson ay magiging isang unrestricted free agent sa Hunyo 30 at maaari namang tanggihan ni Durant ang kanyang $31.5-million player option para maging isang free agent.

Kung parehong pipirma ang dalawang players para sa Warriors ay magbabayad ang koponan ng $350 milyon sa kanilang payroll at luxury taxes.

Mula sa Oracle Arena ay lilipat ng tahanan ang Warriors para sa bagong Chase Center sa San Francisco.

Inaasahang matatagalan pa bago makapaglaro sina Durant at Thompson sa Chase Center.

Ayon kay Golden State head coach Steve Kerr, hindi makakalaro si Durant sa kabuuan ng 2019-20 season.

THOMPSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with