^

PM Sports

3 na ang titulo ni Aranas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Zoren James Aranas ang ikatlong korona sa taong ito matapos pagharian ang 2019 Beasley Custom Cues 9-Ball Open na ginanap sa Brass Tap and Billiards sa Raleigh, North Carolina.

Nairehistro ni Aranas ang 13-10 desisyon laban kay Skyler Woodward ng Amerika sa finals para masungkit ang $5,200 prem-yo. Nagkasya sa $3,250 konsolasyon si Woodward.

Maganda ang simula ni Aranas nang sunud-sunod nitong payukurin sina Dennis Orcollo sa first round (9-8), David Tickle ng Amerika sa second round (9-4), Dmitris Loukatos ng Greece sa third round (9-0), Brad Shearer ng Amerika sa fourth round (9-7) at dating world champion Francisco “Django” Bustamante sa fifth round (9-4).

Subalit naputol ang matikas na kamada ni Aranas nang yumuko ito kay Woodward sa sixth round sa iskor na 4-9 para mahulog sa losers’ bracket ng torneong nagpatupad ng double-elimination format.

Sa losers’ bracket, muling tinalo ni Aranas si Bustamante (7-4) para maisaayos ang rematch kay Woodward sa championship game.

Nagtapos naman sa ikatlong puwesto si Bustamante para makasiguro ng $2,050 premyo habang ikapito naman si Roberto Gomez ($525) at ikasiyam naman si Orcollo ($315) para makatanggap din ng kani-kanyang konsolasyon.

Nauna nang nagkampeon si Aranas sa 2019 Super Billiards Expo- Diamond Open 10-Ball Pro Players Championship noong Marso sa Oaks, Pennsylvania kung saan tumanggap ito ng tumataginting na $10,000.

Naghari rin si Aranas sa 3rd Annual Barry Behr-man Memorial Tournament noong Abril sa Virginia Beach sa Virginia, USA.

ARANAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with