^

PM Sports

Bigating China ang katapat ng Gilas women’s 3x3

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Great Wall ng China ang tatangkain ng Gilas Pilipinas 3x3 U18 women’s squad na matibag ngayon sa pagsisimula ng 2019 FIBA 3X3 Under-18 World Cup sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Sisiklab ang aksyon sa 1:50 ng hapon kung kailan  susubok ang Filipinas na masilat ang paboritong Chinese upang makaabot sa semifinals ng prestihiyosong 3x3 world basketball championship para sa 18-and-under age group bracket ng International Basketball Federation.

Upang magawa iyon ay sasandal ang Nationals sa pares ng malaking silat na tagumpay sa preliminaries na siyang naging susi nila sa pag-abante sa quarterfinals.

Bagamat underdog at mas maliliit kontra sa European powerhouses, dinaig pa rin ng Pinas ang bigating Netherlands, 10-9 at Czech Republic na pareho nilang nagawa sa pamamagitan ng buzzer beaters.

Dahil sa dalawang panalo na iyon ay umangat sa 3-1 ang baraha ng Gilas women upang magtapos sa top two ng Pool C at makaabante sa Elite 8 kasama ang unbeaten na France.

Ang New Jersey native na si Clarin ang bumida kontra Netherlands matapos ang game-winning putback niya sa sablay ni Ella Fajardo habang ang NU Lady Bulldog na si Angel Surada naman ang nagpanalo kontra Czech Republic sa overtime.

Nakahandang umalalay kina Clarin, Fajardo at Surada  ang sentro na si Karl Ann Pingol ng Chiang Kai Shek College na siguradong masusubok ang depensa kontra sa mga higanteng Chinese.

Top-ranked 3x3 U18 team ang China sa buong mundo na pinagreynahan ang Pool A matapos walisin ang Mexico, Ukraine, Egypt at Sri Lanka.  Mangu-nguna sa China ang 6’5 na si Jianjun Gao kasama ang guwardyang sina Zhouze He, Bei Liu at Xianglin Wu.

Makasilat man o hindi, malaking tagumpay na para sa Nationals ang quarterfinal entry kapareho ng kanilang mga ate sa Gilas Pilipinas women’s 3x3 squad na nakaabante rin sa quarters ng katatapos lang na 2019 FIBA 3X3 Asia Cup sa China.

 

GILAS WOMEN’S 3X3

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with