^

PM Sports

UST at St. Clare mag-aagawan sa ‘twice-to-beat’

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mag-uunahanan ang Iron­con-UST at ang St. Clare College-Virtual Rea­­l­ity sa pagbulsa sa ‘twice-to-beat’ advantage sa 2019 PBA-De­ve­lopmental League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang laro ng UST at St. Clare nga­yong alas-4 ng hapon kung saan ang magwa­wagi ay makakasiguro ng second seed sa Aspirants’ Group at sasamahan ang Cignal-Ateneo sa playoffs.

Parehong may 5-2 mar­ka ang Tigers at Saints para magtabla sa segunda at tersero puwesto.

Matapos ang 4-0 si­mula ay nadale ng dalawang mahalagang talo ang UST sa huli nitong tatlong laro upang hu­mi­na ang dati’y halos sigurado nang playoff edge chances.

Pinakamasakit dito ang 80-92 kabiguan nila kontra sa Che’Lu Bar and Grill noong nakaraang linggo.

Para kay head coach Aldin Ayo, hindi nila iisipin ang ‘twice-to-beat’ edge dahil ang pangunahin pa rin nilang misyon ay maiayos ang sistema at chemistry ng koponan para sa nalalapit na kampanya nila sa Season 82 ng UAAP.

“Iyon naman ang ina­ayos natin, ‘yung sis­tema. Bata pa rin ang team kaya kailangan na­ming maranasan ‘yung mga ganitong hardships,” wika ni Ayo.

Sasandal si Ayo sa pambato nilang import na si Soulemane Chabi Yo kasama ang bagitong sina Rhenz Abando at Mark No­noy gayundin ang mga beteranong si­na Marvin Lee at Renzo Subido.

Sa kabilang banda, humabol naman sa karera ang St. Clare matapos ang malaking 93-82 panalo kontra McDavid na nagtulak sa kanila sa 5-2 baraha.

Subalit hindi doon na­tatapos ang misyon ng Saints, ayon kay Head coach Jinno Ma­nansala.

“Tuloy lang namin ang trabaho namin. Rea­dy kami laban sa UST,” sabi ni Manansa­la.

2019 PBA-DE­VE­LOPMENTAL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with