^

PM Sports

Tigresses amoy na ang korona

Francisco Cagape - Pang-masa
Tigresses amoy na ang korona
Nag-agawan sa bola sina Jules Samonte at Maddie Madayag ng Lady Eagles.
PM photo ni Ernie Peñaredond

Nilapa ang Lady Eagles sa game one

MANILA, Philippines — Winalis ng University of Santo Tomas Tigresses ang Ateneo Lady Eagles, 25-17, 25-16, 25-20, para angkinin ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three championship series sa Sea­son 81 UAAP wo­men’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa pangunguna ni MVP candidate Sisi Rondina at  mga rookies na si­na Kecelyn Galdones at Eya Laure ay ipinakita ng Tigresses ang mas agresibong laro para makamit ang unang panalo sa Lady Eagles simula no­ong 2012 sa harap ng ma­higit sa 17,682 volleyball fans.

Humataw si Rondina ng 23 points kabilang na ang 20 attacks, 2 blocks at 1 ace para ihakbang ng UST ang isang paa patu­ngo sa kanilang pang-17 titulo at una sapul noong 2010.

“Nagpasalamat kami kay coach Kungfu Reyes dahil marami kami tala­gang natutunan sa kanya. Nag-respond lamang ka­mi sa mga itinuturo niya sa amin. Sa panalong ito, whatever it takes pani­nin­digan na talaga namin,” ani Ron­dina. “Kami naman.”

Matapos angkinin ang dalawang sets ay nag­pa­siklab si Rondina ng ma­lalakas na atake sa ikatlong set para ilayo ang Tigresses sa 21-20 laban sa Lady Eagles.

Hindi na pinatagal ng UST ang laro at tinapos ang Ateneo sa loob ng 81 minuto.

Hangad ngayon ng Tigresses na tapusin ang serye at angkinin ang titulo sa Game Two sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena.

Samantala sa men’s di­­vision, humakbang pa­lapit ang National University Bulldogs para sa back-to-back championship matapos padapain ang Far Eastern Universi­ty Tamaraws, 21-25, 25-23, 25-23, 25-18, sa Game One ng kanilang best-of-three title series.

Humakot si MVP candidate Bryan Bagunas ng 18 points na may kasamang 13 excellent receptions.

 

vuukle comment

TIGRESSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with