^

PM Sports

Bowles babalik; bagito sa NorthPort

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Bowles babalik; bagito sa NorthPort
Denzel Bowles

MANILA, Philippines — Isang nagbabalik import at isang bagong salta ang dumagdag sa listahan ng mga reinforcements para sa paparating na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay ang dating BMeg (Magnolia) import na si Denzel Bowles na sinikwat ng Rain or Shine gayundin si Prince Ibeh na kinuha naman ng NorthPort.

Ikatlong balik na ito ng 30-anyos na si Bowles sa PBA simula nang unang maglaro para sa BMeg noong 2012.

Huling naglaro si Bowles para sa Star Hotshots (Magnolia ngayon) noong 2016 subalit hindi natapos ang komperensya bunsod ng family emergency sa U.S.

Nang sumunod na taon, babalik sana ulit ang 6’9 import para sa panig naman ng Talk ‘N Text ngunit naudlot ito dahil sa hindi nila pagkakaunawaan bago ang simula ng mid-season conference.

Pinaka-nakilala si Bowles sa kanyang PBA debut noong 2012 kung saan ginabayan niya sa championship ang BMeg Llamados matapos ang dalawang krusyal na free throws sa Game 7 kontra sa KaTropa.

Sa Rain or Shine, makakasama ni Bowles si James Yap na dati niya ring teammate sa Purefoods franchise.

Inaasahang magiging malaking tulong si Bowles sa Elasto Painters lalo’t kagagaling lang nito sa impresibong stint para sa Kanazawa Samuraiz sa Japanese B. League kung saan siya nagrehistro ng 21.9 puntos, 11.4 rebounds at 3.1 assists.

Ang Batang Pier naman, sa kabilang banda ay sasandal sa NBA D-League veteran na si Ibeh na kagagaling lang din sa Japanese B. League stint para sa Yokohama Corsairs kung saan siya nagtala ng 14.6 puntos, 7.4 rebounds at 2.6 tapal sa loob ng 19 na laro.

Isa lamang si Ibeh sa mga bagong imports na ipaparada ng mga koponan ngayon kasama sina  Gani Lawal ng Meralco, Chris Daniels ng Alaska at Kyle Barone ng Columbian Dyip.

Pangungunahan naman ni Bowles ang iba pang returning imports na sina Justin Brownlee para sa Ginebra, Charles Rhodes para sa San Miguel, Rob Dozier para sa Phoenix, Alex Stepheson para sa Blackwater at Tony Mitchell para sa NLEX.

BOWLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with