17-gold nakataya ngayon sa Palaro
DAVAO CITY, Philippines — Kabuuang 17 gintong medalya ang paglalabanan sa athle-tics event sa pagsisimula ng mga aksyon sa 2019 Palarong Pambansa ngayong araw dito sa Davao City-University of the Philippines-Mindanao Sports Complex.
Pangungunahan ng nagdedepensang National Capital Region ang 16 pang rehiyon na pupuntirya sa gold medal sa track and field competition.
Ang mga final events sa athletics ay girls’ 3,000-meter run, boys’ long jump, girls’ discus throw, boys’ at girls’ 100m, girls’ long jump at boys’ discus throw sa secondary; boys’ long jump, girls’ discus throw, girls’ at boys’ 400m hurdle, girls’ at boys’ 100m, girls’ long jump at boys’ discus throw sa elementary.
Bubuksan din ang mga laro sa rhythmic gymnastics, softball, baseball, basketball, volleyball, chess, sepak takraw, table tennis, lawn tennis at football.
Bukas sa unang araw ng swimming event ay nakataya naman ang 18 gold medals makakasabay ang mga aksyon sa basketball 3x3, wushu, wrestling at artistic at aerobic gymnastics.
Ito ang unang pagkakataon na pinamahalaan ng Davao City ang annual sports event matapos noong 1950.
“This national sporting event has truly become a platform for cultivating camarederie, discipline and excellence, especially among the Filipino youth,” sabi ng Pangulo sa kanyang speech sa opening ceremony.
- Latest