Walton sinibak ng Lakers
LOS ANGELES — Tatlong araw matapos ang biglaang pagbibitiw ni president of basketball operations Magic Johnson ay sinibak ng Lakers si Luke Walton bilang head coach.
Inihayag ni Lakers general manager Rob Pelinka ang pagpapatalsik kay Walton.
Nabigo ang dating Lakers forward na si Walton na maipasok ang 16-time NBA champions sa playoffs sa kabila ng paglipat sa kanila ni LeBron James.
“I want to thank Jeanie Buss and the Buss family for giving me the opportunity to coach the Lakers,” ani Walton sa kanyang statement. “This franchise and the city will always be special to me and my family.”
Sa kanyang ikatlong season ay iginiya ni Walton, dating assistant sa Golden State Warriors, ang Lakers sa 37-45 record.
Sina Tyronne Lue at 76ers assistant Monty Williams ang posibleng pumalit kay Walton.
- Latest