^

PM Sports

UAAP Player of the Week

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagmartsa na sa Final Four ang Ateneo de Manila University sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

At walang duda na isa si Kat Tolentino sa dahilan ng pamamayagpag ng Lady Eagles.

Nakasakay sa 10-1 rekord ang Ateneo para kapitan ang solong pamumuno – isang panalo na lamang para masiguro ang twice-to-beat card sa Final Four.

Balanse ang atake ng Lady Eagles ngunit pinaka-consistent si Tolentino sa lahat dahilan upang makuha nito ang ikalawang UAAP Player of the Week award.

Kabilang sa mga tinalo ni Tolentino sa parangal sina Ateneo teammate Deanna Wong at Heather Guino-o ng Far Eastern University.

Pinangunahan ng 24-anyos opposite spiker ang Lady Eagles sa straight-set win laban sa Season 80 runner-up Far Eastern University (FEU) kung saan nagtala ito ng siyam na attacks at dalawang blocks.

Muling umariba si Tolentino nang kumana ito ng 13 puntos para pigilan ng Ateneo ang matikas na hamon ng National University noong Linggo.

Ang panalo rin ang nagdala sa Lady Eagles sa ika-10 sunod na Final Four appearance.

UAAP PLAYER OF THE WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with