Mayweather ‘no-show’ sa sariling press conference
MANILA, Philippines — Tila masyadong napagod si American boxing great Floyd Mayweather, Jr. sa dami ng kanyang naging lakad.
Kaya maski ang sarili niyang press conference kamakalawa sa Resorts World Manila ay hindi na niya nadaluhan.
Itinakda ang naturang presscon ng alas-3 ng hapon, ngunit hanggang alas-11 ng gabi ay hindi nakita maski ang anino ng American world five-division champion.
Sinasabing dumating sa hotel ang 42-anyos na si Mayweather ng alas-11 ng gabi, ngunit tuluyan nang kinansela ang nasabing presscon.
Nagmula si Mayweather sa pamamasyal sa Boracay matapos dumating sa bansa noong Martes ng madaling-araw bago dumiretso sa nasabing isla matapos ang ilang oras.
Nagbalik siya sa Maynila para sa press conference sa Belo Medical Group kung saan siya kinuhang endorser.
Si Mayweather ay may huling commitment sa Resorts World.
Ito ang pangalawang pagkakataon na bumisita si Mayweather sa Pilipinas matapos noong Mayo ng 2018.
Umasa ang mga Pinoy boxing fans na magkakaroon ng tsansang magkausap sina Mayweather at Filipino world eight-division titlist Manny Pacquiao.
Tinalo ni Mayweather si Pacquiao noong Mayo ng 2016.
- Latest

















