^

PM Sports

Ramos bumitaw sa Blackwater

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Ramos bumitaw sa Blackwater
Bong Ramos

MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa kanyang puwesto bilang Blackwater head coach si Bong Ramos matapos ang pagkakatanggal ng ko­ponan sa 2019 PBA Phi­lippine Cup.

Kinumpirma ito kaha­pon ni team owner Dioceldo Sy.

Umakyat sa puwesto bilang interim coach ang long-time deputy na si Aris Dimaunahan.

Ito na ang ikatlong be­ses na nagpalit ng head coach ang Elite sa naka­lipas na taon matapos ku­nin si Ramos bilang ka­palit ni Leo Isaac.

Sa ilalim ni Ramos ay nagpakitang-gilas ang Blackwater noong 2018 PBA Governors’ Cup kung saan sila nagkaro­on ng tsansa sa No. 2 at ‘twice-to-beat’ incentive.

Ngunit nagtapos ang tropa sa fifth place hawak ang 7-4 baraha.

Bigla namang duma­usdos ang Elite sa 2-9 baraha sa 2019 PBA Phi­lippine Cup patungo sa maagang pagkakasibak.

Dahilan din nito ang pagkawala nina John Paul Erram, Paul Zamar at John Nard Pinto sa trade sa ibang teams bago magsimula ang 44th PBA Season.

Produkto ng University of Santo Tomas, na­pi­li ang 41-anyos na si Di­maunahan bilang 26th overall pick noong 2002 PBA Draft at naglaro sa Barangay Ginebra, Air21, Coca Cola, Barako at Alaska bago nagretiro noong 2011.

Pumasok siya sa coa­­ching career bilang de­puty sa Blackwater no­ong 2014.

Makakasama ni Di­ma­unahan sa kanyang coa­ching staff ang mga PBA legends na sina Rom­mel Adducul at Bogs Adornado at tuma­as ang dating assistant na si Pat Aquino bilang team manager kapalit ni Joel Co.

BONG RAMOS

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with