^

PM Sports

Tigresses sinakmal ang Warriors

Chris Co - Pang-masa
Tigresses sinakmal ang Warriors
Hinatawan ni Sisi Rondina ng UST sina Judith Abil at Seth Marionne Rodriguez ng UE.
PM photo ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Sinakmal ng University of Santo Tomas (UST) ang University of the East (UE), 25-18, 25-14, 25-20 upang sumalo sa No. 2 spot sa pagtatapos ng first round ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsanib-puwersa sina outside hitters Sisi Rondina at Eya Laure para buhatin ang Tigresses sa matamis na 5-2 rekord at saluhan ang reigning champion De La Salle University na may katulad na baraha sa ikalawang puwesto.

Kumana si Rondina ng 17 puntos, 10 receptions at pitong digs habang nakalikom naman si Laure ng 11 attacks, dalawang blocks at dalawang aces upang pamunuan ang opensa ng UST.

“Maganda ang start namin. Malaki ang development ng mga players at ng team as a whole. Magandang motivation ito for us going into the second round of eliminations,” ani UST head coach Kungfu Reyes.

Nakapagbigay ng kontribusyon sina Caitlyn Viray, Dimdim Pacres at Kecelyn Galdones na may tigwa-walong puntos para tabunan ang nagawang 22 errors ng Tigresses.

Malayo ang agwat ng dalawang koponan sa attack line kung saan naglista ang UST ng 45 hits laban sa 26 ng UE. Lamang din ang España-based squad sa blocks (6-1) at aces (6-3). Nanatili sa ilalim ng standings ang Lady Warriors taglay ang 1-6 marka.

Sa men’s division, nanaig ang Adamson University sa University of the Philippines, 22-25, 25-16, 25-21, 25-18, habang namayani ang UE sa UST, 27-25, 24-26, 25-22, 18-25, 17-15.

Sumalo ang Adamson sa Ateneo de Manila University sa ikatlong puwesto hawak ang parehong 4-3 baraha – sa ilalim ng nangungunang Far Eastern University (7-0) at National University (6-1).

Sa ikalawang laro, pinabagsak ng University of the Philippines ang Adamson University, 25-27, 25-14, 25-12, 25-21 para makakuha ng magandang momento bago pumasok sa second round hawak ang 4-3 marka.

vuukle comment

TIGRESSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with