^

PM Sports

Ruzol naghatid ng gold

Russell Cadayona - Pang-masa

SEA Youth Athletics Championships

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines — Pinatugtog ang pambansang awit ng Pilipinas bago magtapos ang unang araw ng labanan nang angkinin ni Ma. Khrizzie Clarisse Ruzol ang gintong medalya sa itinalang 2.60 metro sa girls’ pole vault sa 14th Southeast Youth Athletics Championships at 2019 Philippine National Open Athletics Championships kahapon dito sa Ilagan Sports Complex.

“Sabi kasi ng coach ko walang maglalaro sa pole vault sa team namin, kaya sinubukan ko,” wika ng 16-anyos na si Ruzol, tubong Navotas City na halos limang buwan pa lamang nagsasanay matapos kumuha ng ginto sa pole vault at high jump events ng UAAP para sa University of Santo Tomas. “Maganda naman po ‘yung results.”

Humakot din ang mga local bets ng dalawang silver at limang bronze medals.

Ang mga pilak ay galing kina Princes Jean Nal-zaro (15.61 segundo) sa girls’ 100-meter hurdles, Jessa Marie Libres (2.32m) sa girls’ pole vault at sa boy’s 4x400m relay (3:26.86).

Nagdagdag naman ng tanso sina Tara Borlain sa girls’ 800m (2:18.67), Patrick Shane Tolentino (1.90m) sa boys’ high jump, Michael Alfred Adan (7:52.53) sa boys’ 2,000m steeplechase, Jeshrelvan Ombid sa boys’ 800m run (2:00.83) at Diana Rysiamie Hurano sa girls’ long jump (5.54m) at sa girls’ 4x400m relay (4:07.54).

Siyam na gintong medalya ang inangkin ng Thailand, habang may apat at dalawa ang Vietnam at Malaysia, ayon sa pagkakasunod.

RUZOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with