Lady Tams, Lady Bulldogs target ang unang panalo
MANILA, Philippines – Sisimulan ng 2018 semifinalists na Far Eastern University Lady Tamaraws at National University Lady Bulldogs ang kanilang mga kampanya sa pagbubukas ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Haharapin ng Season 80 runner-up Lady Tamaraws ang fourth placer Lady Bulldogs sa main game ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laban ng University of the East Lady Red Warriors at University of the Philippines Lady Maroons sa alas-2.
Sa men’s division, bubuksan ng NU Bulldogs ang pagdedepensa sa korona sa pakikipagtuos sa FEU Tamaraws sa alas-10 ng umaga, habang maghaharap ang UE Red Warriors at UP Fighting Maroons sa alas-8 ng umaga.
“Maganda ang nangyari nang makapasok kami sa Finals last year. It was our first after 10 years. The experiences na gusto namin at that point, malaking bagay ‘yun para sa aming kampanya this season,” sabi ni FEU head coach George Pascua.
Matapos noong 2008 ay muling nakapasok sa Finals ang Lady Tamaraws sa nakaraang taon ngunit winalis naman sila ng ‘three-peat’ champions De La Salle Lady Archers, 2-0, sa kanilang best-of-three titleseries.
“Ang Season 80 ay parang turning point namin. Kumbaga, nagkaroon na kami ng idea. Nagkaroon na ng self-confidence ‘yung mga players. So ngayon, we are looking forward na mag-bounce back this season,” dagdag ni Pascua.
Nawala sa FEU si leading scorer Bernadeth Pons at sina libero Kyla Atienza at Chin-Chin Basas dahil sa injury, kaya sasandal si Pascua kina Jerilli Malabanan, Celine Domingo, Heather Guino-o, Kyle Negrito, libero Buding Duremdes, Angeli Cayuna, Czarina Carandang at sa mga baguhang sina Lycha Ebon, Elize Ronquillo at Lyka Bautista.
Sa panig naman ng Lady Bulldogs ay nawala na rin sina Jaja Santiago, Aiko Urdas, libero Gayle Valdez, Jasmine Nabor, Jorelle Singh, Roma Doromal at Risa Sato dahil sa academic issue kaya iItatapat ng bagong head coach na si Norman Miguel ang mga baguhang galing din sa ‘four-peat’ high school champion ng NU.
Pangunahan ng mga bata ngunit batak sa eksperyensa na sina high school three-time Best Setter Joyme Cagande, Ivy Lacsina, Princess Robles at libero Jennifer Nierva.
Makakasama nila ang mga beteranong sina Roselyn Doria, Audrey Paran at Jonni Chavez.
“Sa akin naman, kahit rookies sila, I still take it an advantage kasi galing naman sila sa champion team sa UAAP high school. Although, iba pa rin naman siyempre ‘yung intensity ng games sa college,” sabi ni Miguel sa mga baguhang Lady Bulldogs.
- Latest