Karerang Pinoy ibinalik
MANILA, Philippines — Muling naibalik ang Karerang Pinoy na pinamagatang “The Revival of Track Cycling” na magdaraos ng tatlong araw na karera sa Pebrero 17 at 24 at March 3 sa Cavite State University (CAVSU) Track Oval sa Indang, Cavite.
Sa pagpupursigi ng dating secretary-general ng Philippine Cycling na si Armando Bautista katulong ang ABJR Events and Talent Management Services, naibalik ang track cycling event na ito na nakakatulong sa mga kabataang magkaroon ng scholarship sa iba’t ibang unibersidad tulad ng mga Olympian na sina Cornelio Padilla, Ben Evangelista at Maximo Junta, Jr., mga Asian Games medalists na sina Roberto Querimit, Carlos Anitinor at Rodrigo Arzadon at ang 7-time Track Oval King na si Manolito Moring at iba pa.
“Sa panahon ngayon, ang lahat ay naka-focus sa mountain biking at road racing kaya’t tuluyang nakalimutan ang track cycling event kung saan mayroong siyam na medalyang pinaglalabanan sa international competition tulad ng Asean Games, Sea Games at Olympics ngunit wala nang nagaganap na track competition dito sa Pilipinas, kaya’t nais naming maibalik ang nawalang kinang ng Philippine Cycling,” sabi ni Bautista.
Sa mga nagnanais na sumali, tumawag or magtext sa 09165577796/ 09239393321/ 09774015591 o mag-email sa [email protected].
- Latest























