^

PM Sports

Zamboanga determinado sa Batang Pinoy Mindanao

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hangad ng Zamboanga City na makapagtala  ng kasaysayan para sa lungsod sa layuning agawin ang pangkalahatang titulo sa magbubukas na 2019 PNYG-Batang Pinoy Mindanao Qualifying Leg sa pagpapadala ng pinakamalakas nitong delegasyon para hamunin ang nagtatanggol na kampeon sa rehiyon na Davao City sa torneo na magsisimula bukas ng gabi.

 Napag-alaman kay Zamboanga City Councilor Bong Atilano na malaki ang kanilang tsansa na maagaw ang korona ngayong taon dahil sa matinding paghahanda ng kanilang lungsod na ilang beses na pumangalawa sa multi-sports na torneo matapos ang mahigpit na labanan sa mga nakalipas na qualifying leg.

“Medyo mahihirapan dahil walang weightlifting at muay thai na malakas kami. Nag-concentrate kami sa mga sports na malalaki ang tsansa namin na manalo ng ginto. Sa ngayon, participation kami ang support sa magandang programa na ito ng PSC at ating national government,” sabi ng dating weightlifter at naging national coach na si Atilano.

Si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang panguna-hing panauhin sa opening ceremony, ayon kay PSC commissioner Charles Maxey.

Ang mayora ng Davao rin ang magsisilbing keynote speaker sa opening ce-remony ng week-long multi-sports meet para sa mga in at out-of-school youth athletes na may edad 15-gulang at pababa.

“She will be introduced by no less than Davao del Norte Governor Anthony del Rosario,” sabi ni Maxey, commissioner in charge ng Mindanao Leg.

Samantala, umabot  na sa kabuuang 14 na local government units ang maagang dumating sa Tagum City kung saan nakatala ang 678 na atleta na sasabak sa paglalabanang 20 sports.  

Sinabi ni billeting committee officer Juneth Abaracoso na maagang dumating ang Dapitan City (38), Gipas (11), Pagadian City (146), Roxas City, Zamboanga Del Norte (2), Zamboanga City (159), Cagayan De Oro (2), Plaridel, Misamis Oriental (6), Tacurong City (75), Tawi-Tawi (9), Cotabato City Province (2), Antipaz (40), Agusan Del Norte (8) at ang nagtatanggol na kampeon na Davao City (175).

“We are expecting more LGUs in the next three days, actually 16 more coming today (Feb 2), on Sunday before the opening ceremony and then bago mag-start ang competition on February 4,” sabi ni Abaracoso.

 

 

BATANG PINOY MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with