Magandang simula para sa Basilan
MALOLOS, Philippines — Sinimulan ng Basilan ang bagong taon sa pamamagitan ng malaking upset win kontra sa inaugural staging champion na Batangas City na tinularan ng Navotas nang kanilang dayuhin ang Bulacan sa pagpapatuloy ng MPBL Datu Cup noong Sabado ng gabi sa Bulacan Capitol Gymnasium dito.
Pinabagsak ng Steel ang Tanduay-backed Athletics, 94-89 para manatiling buhay ang pag-asa sa southern division ng tournament na itinatag ni Senator Manny Pacquiao kasama si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.
Pinangunahan ni Macky Acosta ang Basilan sa kanyang 21 points at pinangunahan ang steady shooting ng Steel mula sa arc.
Tumira ang Basilan ng steady 43-percent mula sa arc, para sa 13-of-30 shots. Mas maganda ang shooting ng Batangas sa kanilang 12-of-26 para sa 46-percent. Ang dalawang teams ay nagtulong para sa league record na 25 three-point shots na pumasok.
Para sa Steel, ito ang kanilang unang back-to-back win sa kanilang franchise history. Bumangon sila mula sa 15 points deficit, 45-30 at naghabol sa halos kabuuan ng laro hanggang sa humataw sa third period para makabangon ng tuluyan.
Natikman ng Basilan ang kanilang unang pa-ngunguna sa 5:42 mark ng third period mula sa three-point basket ni Jhaps Bautista at mula doon ay naging mahigpit na ang labanan.
Ang dalawang free throws ni Acosta sa huling 17-segundo at ang epektibong pagpigil ng Basilan sa huling opensiba ng Basilan ang nagselyo ng panalo para sa Steel na nanatili sa 11th spot ng southern division ngunit umangat ang win-loss record sa 6-12.
Kung kinailangang magtrabaho ng Basilan para makabangon tungo sa panalo, kontrolado naman ng Navotas ang laban simula sa umpisa hanggang matapos ito tungo sa dominanteng 98-89 panalo laban sa host team Bulacan.
Sa pangunguna nina veterans Jai Reyes at bagong recruits na sina Jojo Duncil at Samboy de Leon, nagawang patahimikin ng Clutch ang home crowd ngunit para kay coach Gabby Severino, ang dominasyon ng Navotas ay bunga ng kanilang mahusay na team defense.
- Latest