^

PM Sports

Lady Red Spikers tumatag sa No. 2

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inilabas ng San Beda University ang bagsik nito matapos sakmalin ang Colegio de San Juan de Letran, 25-18, 25-14, 25-13 upang mapatatag ang kapit sa No. 2 spot sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtulong sina Viray twins Nieza at Jiezela at team captain Cesca Racraquin para buhatin ang Lady Red Spikers sa ikaanim na panalo sa pitong laro.

Kumana si Nieza ng 17 puntos tampok ang 14 attacks samantalang nagtarak si Jiezela ng 11 markers. Naramdaman din si Racraquin na umiskor ng siyam na puntos, 11 digs at pitong receptions.

Nanganganib na masibak ang Lady Knights na bumagsak sa 1-6 marka.

Sa unang laro, nanaig ang College of Saint Benilde sa Lyceum of the Philippines, 25-20, 18-25, 25-14, 25-18 para manatili sa ikatlong puwesto hawak ang 5-1 baraha.

Parehong nagtala ng 14 puntos sina Rachel Austero at Kalrisa Abriam habang naglista naman si Marites Pablo ng 12 hits upang pamunuan ang Lady Blazers sa panalo.

Patuloy ang magandang laro ni playmaker Jewel Lai na gumawa ng 35 excellent sets para tulungan ang Benilde na dominahin ang attack line bunsod ng 47-33 edge sa spikes.

Matatalim na aces din ang pinakawalan ng Lady Blazers para sa 9-6 bentahe sa service area samantalang nakakuha rin ito ng walong solidong blocks.

Magandang produksiyon ito ng Benilde sa attacks, blocks at aces para tabunan ang kanilang 32 unforced errors na nagawa.

Nangibabaw para sa Lady Pirates si Alexandra Rafael na nagsumite ng 16 markers katuwang si skipper Cherilyn Sindayen na nagbaon ng 13 hits.

Ngunit kapos ito para lasapin ng Lyceum ang 2-5 marka.

Nanaig ang Benilde sa Lyceum, 25-16, 25-19, 25-23, sa men’s division habang namayani naman ang Lyceum sa juniors class nang igupo nito ang Benilde sa bisa ng makapigil-hiningang 27-25, 21-25, 20-25, 25-23, 17-15.

 

LADY RED SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with