^

PM Sports

LeBron ‘di mawawala ng matagal

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng LA Lakers na nakalista ng ‘day to day’ si LeBron James na na-strain ang kanyang left groin matapos lumabas ang kanyang MRI exam.

Inaasahang hindi mawawala ng matagal si James base sa kanyang post sa Twitter matapos lumabas ang balita.

Gumamit ang Los Angeles Lakers star ng emoji upang ipakita ang kanyang pasasalamat.

“Dodged a bullet! Sheesh. (Thanks) to the almighty above! #BackInNoTime,” tweet ni James.

Ayon sa Lakers, inaasahan nilang ilang laro lamang mawawala si James, ayon kay Chris Haynes ng Yahoo Sports.

Natalo ang Lakers sa  Sacramento, 117-116 at sunod nilang haharapin ang Clippers.

Ang veteran forward ay na-injured noong Martes sa 127-101 upset win ng Lakers kontra sa Golden State Warriors nang madulas ito habang nagdi-drible patungong basket.

 Napailalim ang kanyang kanang binti nang ma-out-balance ito kaya na-puwersa ang ang kanyang kaliwang binti at groin nang pilit nitong isalba ang bola.

 Naglakad si James na halatang may nararamdamang masakit palabas ng court  at  nakita rin siyang iniinda ang nararamdamang sakit malapit sa bench kausap ang trainers.

vuukle comment

MATAGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with