^

PM Sports

IM Nava 2-panalo na

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasungkit ni Pinoy IM Roderick Nava ang ikalawang panalo matapos pataubin ang higher-rated na si IM Novendra Priasmoro ng Indonesia sa third round ng  7th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) noong Miyerkules ng  gabi sa Tiara Hotel ng Makati City.

Hindi iniinda ni Nava ang kanyang 44th ranking sa 64-player na torneo para biguin si Priasmoro para sundan agad ang kanyang panalo kontra kay Randolph Schain ng Cambodia sa second round noong  Martes.

Ang tanging talo ni Nava ay sa kamay ni 12th seed GM Alireza Firouzja ng Iran noong unang araw ng torneo na sinusuportahan nina Sen. Manny Pacquiao, Philippine Sports Commission at  NCFP president Butch Pichay.

Sa kanyang dalawang puntos, si Nava na ang may pinakamataas na puwesto sa mga Filipino campaigners sa likuran nina second seed GM Wei Yi ng China at 11 pang iba na hawak ang 2.5 puntos pagkaraan ng tatlong rounds. Kasama ngayon ang Caviteñong si Nava sa 11-way tie sa 13th place.

Tiyak mas malakas na ngayon ang tiwala ni Na­va sa kanyang pag­ha­rap kay top seed GM Wang Hao ng China na ga­ling din sa panalo sa kan­yang kababayang si Wang Shixu. Si Wang ay bu­mawi agad matapos ma­talo kay FIDE Master Mohamad Ervan ng Indonesia sa second round.

Nanatiling wala pang talo si IM Haridas Pascua matapos tumabla kay 18th seed GM Abhimanyu Puranik ng India para sa pang-24th na upuan sa 1.5 puntos kasama ang lima pang Filipino campaigners.

Ito na ang ikatlong sunod na draw ng 25-anyos na si Pascua, ang iba ay kay fourth seed GM Santosh Gujarathi Vidit ng India at kay Priasmoro sa second round. Kaharap ni Pascua ang No. 16 seed Nodirbek Yakubboev ng Uzbekistan sa fourth round habang si­nu­sulat ang istoryang ito.

Ang ibang Filipino ches­sers na kasama ni Pascua sa 24th spot ay sina GM Joey Antonio, IMs Jan Emmanuel Garcia, Ricky de Guzman, FM Mari Joseph Turqueza at Michael Concio, Jr.

 

vuukle comment

NAVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with