Tabal, Poliquit dinomina ang Milo Marathon
MANILA, Philippines — Muling nagpakita ng kanilang dominasyon si reigning Milo Marathon Queen Mary Joy Tabal at ang nagbabalik na si Marathon King Rafael Poli-quit nang manguna sa 42K National Finals men at women’s 42-kilometer sa 42nd National Milo Marathon Finals sa Laoag City.
Ang Laoag Finale ang kumumpleto sa matagum-pay na 42nd season ng National Milo Marathon.
Halos 12,000 runners ang lumahok sa marathon na pinakawalan sa Laoag Centennial Arena at nagtapos sa Pres. Ferdinand Marcos Stadium.
Nagsumite si Tabal, ang Olympiad campaigner at SEA Games gold medalist, ng bilis na 2:56:31 para maging unang woman marathoner na nagreyna ng anim na sunod na beses.
Muli namang isinuot ni Poliquit ang Milo Marathon King crown sa ikatlong pagkakataon matapos noong 2014 at 2015 sa kanyang tiyempong 2:28:47.
Kapwa nagbulsa sina Tabal at Poliquit ng tig-P150,000 bilang premyo bukod pa sa tiket sa 2019 SEA Games na gagawin dito sa bansa.
Magkakaroon din sila ng pakakataong makalahok sa isang international marathon sa susunod na taon na pangako ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
“I am happy because I was able to defend my title,” sabi ni Tabal, tubong Cebu City.
Nagkaroon si Tabal ng minor cramp injury kaya hindi siya nakalayo kay Kenyan runner Margaret Njuguna sa first leg ng race route.
May anim na minutong kalamangan si Tabal laban kay Njuguna (2:50:50) na hinirang na 42K open ca-tegory winner.
- Latest