^

PM Sports

Arellano, San Beda hindi bibitaw sa liderato

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patitibayin ng Arella­no University at San Be­da ang pagkapit sa top spot sa pagsagupa sa Ma­pua University at Lyceum of the Philippines University sa women’s division ng 94th NCAA volleyball tournament nga­­yon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan Ci­ty.

Kapwa may 2-0 record ang Lady Chiefs at Lady Red Spikers ka­sos­yo ang San Sebastian Lady Stags sa liderato.

Lalabanan ng Arella­no ang Mapua sa alas-2 ng hapon matapos ang la­ro ng San Beda at Ly­ceum sa alas-12 ng tanghali.

Nagmula ang Lady Chiefs sa 25-17, 20-25, 25-18, 18-25, 16-14 paggiba sa College of St. Benilde noong naka­raang Martes.

Humataw sina Nicole Ebuen, Princess Bel­lo at 2017 Finals MVP Regine Anne Arocha ng 22, 18 at 14 hits, ayon sa pagkakasunod, para sa Arellano.

Umiskor naman ang Lady Red Spikers ng 25-19, 25-22, 20-25, 25-26-24 panalo laban sa Jose Rizal Lady Bom­bers.

NCAA VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with