^

PM Sports

Watson pinayagan ng Painters na umuwi

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalong numipis ang frontcourt ng Rain or Shine sa pagsagupa sa NLEX sa pagtatapos ng ka­nilang kampanya sa 2018 PBA Governors’ Cup ngayon.

Ito ay dahil sa maagang pag-alis ni import Terrence Watson pabalik sa Amerika para sa perso­nal na dahilan.

Ayon kay Elasto Pain­ters coach Caloy Garcia, pinayagan na nilang umalis si Watson upang samahan ang asawa na na­nganak kamakailan.

Nagrehistro si Watson ng mga averages na 15.75 points, 11.88 rebounds at 1.88 assists sa walong laro para sa Rain or Shine na nagresulta sa kanilang 2-6 kartada.

May kabuuang 2-8 baraha ngayon ang Elasto Painters at tanggal na sa kontensyon ngunit su­subok pa rin na makasuk­bit ng panalo kahit pa la­long naging pilay ang ka­nilang line-up.

Dumagdag kasi si Wat­son kina Beau Belga at Raymond Almazan na hindi naglalaro sa Rain or Shine.

Nagtamo ng plantar fas­citis na injury si Belga, habang si Almazan ay isi­silbi ang kanyang suspensyon sa natitirang bahagi ng torneo.

Magbabalik sina Belga at Almazan sa Rain or Shine sa susunod na sea­son.

 

vuukle comment

WATSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with