^

PM Sports

Pocari Air Force ibabaling ang galit sa Tacloban Fighting Warays

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang makabawi ang hangad ng three-time champions na Pocari-Air Force sa kanilang pagsa­gu­pa laban sa Tacloban Figh­ting Warays sa Premier Vol­leyball League Sea­son 2 Open Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Makakaharap ng La­dy Warriors ang Figh­ting Warays ngayong alas-4 ng hapon, habang naka­takda rin ang duwelo ng Iriga-Navy at Adamson University sa alas-6 ng gabi.

Lumaban ang Lady Warriors ngunit kinapos sa huling yugto ng laro para lasapin ang 19-25, 17-25, 25-20, 25-16, 14-16 kabiguan kontra sa reigning Reinforced Conference cham­pions na Creamline Cool Sma­shers noong Miyerkules.

Kaya naman handa ang Pocari-Air Force na muling mag-takeoff para makabalik sa porma at mapaganda ang kanilang 3-2 baraha.

Walang iba kundi si dating MVP Myla Pablo ang pangunahing sasandalan ng Lady Warriors kasama sina middle blockers Jeanette Panaga at Del Palomata, opposite hitter Iari Yongco, outside spiker May Ann Pantino, at playmaker Wen­dy Semana

Gigil ding makaresbak ang Fighting Warays na nakabaon sa three-game losing skid kabilang ang five-set loss sa Ate­neo Lady Eagles no­ong Miyerkules.

Nasa No. 6 spot ang Tacloban bitbit ang 2-4 mar­­ka sa torneo.

Papalo para sa Figh­ting Warays sina Jovielyn Prado, Mary Ann Esguerra, Heather Guinoo at ang bagong recruit na si Dimdim Pacres.

Sa kabilang banda, mag-uunahan naman ang Adamson at Iriga-Navy na makuha ang unang pa­nalo.

Parehong may 0-6 mar­ka ang Lady Falcons at Lady Oragons.

Darayo bukas sa Baliwag Star Arena sa Bulacan ang liga tampok ang bak­bakan ng Pocari-Air Force at BanKo Perlas sa alas-4 na susundan ng banggaan ng Creamline at Ateneo sa alas-6 ng ga­bi.

 

POCARI AIR FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with