Crawford umiiwas labanan si Pacquiao
MANILA, Philippines – Umiiwas si World Boxing Organization welterweight king American Terence Crawford kay reigning World Boxing Association welterweight champion Manny Pacquiao dahil takot ito sa lakas ng kamao ng Pinoy champion.
Ito ang paniniwala ni Pacquiao bilang sagot sa patutsada ni Crawford noong nakaraang linggo.
Inihayan ni Crawford na hindi nito itinuturing na champion ang Pinoy superstar kaya malabong magharap ang dalawa sa ibabaw ng ring.
“Takot lang siya (Crawford) matagal na siyang umiiwas sa akin,” wika ng eight-division world champion.
Galing si Pacquiao sa seventh-round knockout win kontra kay Argentinian Lucas Matthysse sa kanilang laban noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia para makuha ang WBA belt.
Ngunit hindi na-impress si Crawford sa naturang panalo ni Pacquiao.
“He (Pacquiao) is not a champion in my eyes. He doesn’t have the super belt. That’s the champion in my eyes. I look at the number one champion in the division. I don’t look at the WBC Silver and the interim belts and all that. I look at the super and the actual champion of the division,” ani Crawford sa panayam ng Boxing Scene noong nakaraang linggo.
Sariwa pa si Crawford sa technical knockout win laban kay Jose Benavidez noong Oktubre 13 sa Omaha, Nebraska para mapanatili ang kanyang WBO title.
Tinalo rin ni Crawford si Jeff Horn noong Hulyo 9 via technical knockout.
- Latest