^

PM Sports

Klub Don Juan Festival lalarga

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magaganap mamaya hanggang bukas ang isa sa pinakamalaking Racing Festival sa bansa na Klub Don Juan De Manila Derby.

Tampok sa nasabing racing festival ang Golden Girl Stakes Race, KDJM Juvenile Fillies Stakes Race, Philracom 2nd Leg Juvenile Fillies & Colts Stakes Race, 3yo Philracom Open Challenge Series, KDJM Grand Derby at KDJM Magic Millions Australia Stakes Race.

Ang mga nasabing malalaking karera ay magaganap bukas habang halos puro Trophy Race naman ang sampung karera na magaganap mamaya.

Una sa listahan ang “KDJM Mercury Freight Group Trophy Race” kung saan bahagyang nakakalamang ang couple entries na Heart Summer at Fantasm dahil parehas malaki ang panalo ng dalawang magkakamping kabayo.

Nakalalamang din sa laban ang mga couple entries Musiko at Universe na tatakbo sa “KDJM - Coun. Ferdie Eusebio Trophy Race” na magaganap sa Race 6.

Two Horse Race naman maituturing sa pagitan ng kabayong Yes All Wee Bet at Old Timer na tatakbo sa “KDJM - Prci Trophy Race” dahil masyadong angat sa pruweba ang dalawang nasabing kabayo.

Magiging mahirap ang mga karerang magaganap mamaya dahil halos lahat ay may mga karagdagang premyo bukod pa ang Tropeo na maiiuwi ng mga may-ari ng mga mananalong kabayo. (V. Nuguid)

vuukle comment

RACING FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with