^

PM Sports

Bong Ravena bagong coach ng TNT Katropa

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Bong Ravena bagong coach ng TNT Katropa
Bong Ravena

MANILA, Philippines – Naatasan si dating deputy Bong Ravena bilang pinakabagong head coach ng Talk ‘N Text.

Pinalitan ng 48-anyos na si Ravena, dati ring manlalaro ng TNT, si interim coach Eric Gonzales sa kampo ng KaTropa na hangaring mabaliktad ang masama nitong simula sa kasalukuyang 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup.

Si Ravena na ang ikatlong coach sa namomroblemang TNT ngayong conference matapos mag-indefinite leave si Nash Racela na siyang pinalitan nga ng assistant coach din na si Gonzales.

Matapos ang kanyang PBA career noong 2005, nagsilbi na bilang long-time assistant coach ang 1992 Rookie of the Year, sa TNT simula pa noong 2008 bago nga sa wakas ay mabigyan ng pagkakataong maging mentor ng KaTropa ngunit mabigat ang misyon ni Ravena dahil nasa ibaba ng team standings ang TNT hawak ang 2-4 kartada.

Sasalang siya sa unang laro niya bilang head coach ngayon kontra sa Rain or Shine na maglalaro sa kauna-unahang pagkakataon ngayong Governors’ Cup sa City of Passi Arena sa Passi, Iloilo para sa PBA-Petron Saturday Special.

Isang coach mula sa National Basketball League (NBL) sa New Zealand na si Mark Dickel sana ang itatalaga ng TNT bilang bagong coach ngunit may conflict ito sa  panuntunan ng Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) ukol sa mga foreign coaches.

Iniulat ni Marc Hiton sa Stuff.co.nz na pinayagan si Dickel na CanteryBury Rams na tanggapin ang posisyon sa TNT at inaasahang magsisilbi na lamang si Dickel bilang consultant ng koponan upang tulungan si head coach Ravena.

Dating manlalaro ni Ateneo coach Tab Baldwin ang Kiwi-Australian na si Dickel sa New Zealand at nagsama sila sa 2000 Sydney Olympics at 2004 Athens Summer Games.

BONG RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with